Tips para pumasa sa Job Interview







Nung first time kong nakatanggap ng interview request, ang saya-saya ko. Kakatapos ko lang mag-aral at pakiramdam ko ready na ko sa “real world”, ika nga.
Natanggap ko yung request sa email. Para yun sa isa sa pinakasikat na BPO nung time na yun. Bilang galing ako sa isa sa mga nangungunang unibersidad ng bansa , at confident naman ako sa pagsasalita ko ng Ingles , sabi ko sa sarili ko “piece of cake.”
Pero hindi . Parang isang bulalakaw, nag-shine ako . Tapos nag-crash ng matindi-tindi. Sa totoo lang, gusto kong kalimutan nalang sya lahat. Move on na ba?
Dun nagsimula ang isang mahaba-habang cycle ng interview hits at misses para sa kin. At mula sa pagiging excited at confident, naging nerbyoso na ko tuwing nakukuha ko ng isang tawag para sa interview. Naging dreaded activity na para sa akin.
Iniisip ko parati ano ba ang ginagawa ko na mali? Alam ko namang may utak ako. Tiwala din ako na and communication skills ko ay mas mataas sa average. Actually, nag-take nga ako ng test dati. Nasa 2% lang ng populasyon ng Pilipinas ang may mas mahusay na English communication skills kesa sa kin. Kayak o din naman magpaka-charming kung kailangan.
Pero bakit hindi ako matanggap sa trabaho?! Ano ba’ng ginagawa ko na mali?!
Sa libu-libong mga taong gumagraduate sa kolehiyo bawat taon, dagdagan pa ng libo-libong taong may trabaho na pero gusting humanap ng iba, mataas talaga ang level ng competition . Malamng hindi lamang ako ang nagtatanong kung bakit nga ba hindi siya makakuha ng trabaho.
Isa ka ba dun? Gusto mo bang malaman kung bakit? Eto ang sagot.

Bakit ka nga ba hindi matanggap sa inapplyan mo?

So may interview ka. Bumili ka pa ng bagong damit para sa okasyon . Stellar ang performance mo (sa tingin mo.)Kaso lang, 2 weeks na nakalipas, wala pa ring tumatawag sa yo.
Sinabi nila tatawag sila, di ba?
Uh , sorry pero yung “We’ll call you” na sabi sa yo? Kiss of death.
So pano na? Magandang katanungan . Ang bawat interview ay iba. Pero madami sa mga pagkakamali ng mga aplikante ay pare-pareho.
1 . Kakulangan sa GMRC! (Good manners and right conduct)
Na-try mo na bang mag-candy bago o habang nagpapainterview? Siguro naisip mo para fresh ang hininga mo habang nagsasalita no? Reality check: sa nagiinterview, napaka-unprofessional lang ng dating nun.
Bubble gum? Ganun din. Kape? Kahit Starbucks pa yan, wala silang pakialam. At yung paulit-ulit na pag-click mo ng ballpen? Nakakainis.
2 . Hindi mo talaga gusto yung trabaho.
Siguro nga nakatapos ka ng Engineering /Nursing /Law /Medicine /Kung ano pa man, pero dahil sa inaakala mong limited na job openings, nag-apply ka nalang sa call center muna. Kailangang kumita kahit papano , di ba? Tiis nalang muna until meron ng mas magandang work.
Pero alam mo yung sabi nilang naririnig ng kausap mo kung nakangiti ka? May ganong powers din ang mga nagiinterview. Nahahalata nila kung hindi ka ganung kaseryoso sa inaaplyan mo. Bakit ka naman nila iha-hire kung merong ibang mas decided sa trabaho nay un kesa sa yo?
3.  Nagtanong ka pero mali.
“Do you have questions before we end this?”
“Do you have any questions for me?”
Natanong ka na ba nyan bago matapos ang interview? Hindi yan tinanaong para may masabi lang. Trick question yan maniwala ka. At pwedeng ang sagot mo dyan ang maging dahilan kung matatanggap ka o hindi.
4.  Nagimbento ka.
Actually, ang gusto ko talagang sabihin eh nagsinungaling ka kaso harsh. Pero totoo. Pwedeng may sinabi kang hindi totoo sa resume o sa interview mismo. Eh kaso nahuli ka/ nalaman nila. Ano sa tingin mo ending?
5. Wala kang X-factor.
Ito talaga ang pinakamalaking balakid. Pwedeng qualified ka naman talaga. Pero madaming ibang qualified din. Malas mo lang, wala kang nagawa o nasabi sa interview para umangat ka sa kanila.
Andaming pwedeng gawing mali. Buti nalang, nagawa ko na yata lahat yun. Eh nakahanap pa din ako ng trabaho, ibig sabihin may nagawa na kong tama sa wakas. Ano ang ginawa ko?

Mga Interview Tips Para Umangat sa Iba (or wag man lang mapahiya ng bongga.)

Yung sandamakmak na interview na napuntahan mo wala pa din? Kainis di ba? Hindi mo naman pinangarap maging professional applicant.
Paano mo ba bibigyan ang sarili mo ng mas magandang chance na ma-hire?
1 . I-research ang inapplyan.
WAG NA WAG kang pupunta sa interview na walang alam tungkol sa kumpanya o sa trabahong inaaplyan mo. Kasi lagging tatanungin yun. At walang nagsasabing “hindi interesado” higit sa hindi pag-alam kung ano ang kumpanya at ang trabahong pinuntahan mo.
2 . Dress for success.
Sabi nila kailangan mong magdamit para sa trabaho na gusto mo, hindi yung para lang sa meron ka (o wala.)  Kaya magbihis ka naman ng naaangkop.
Neutral colors daw ang pinaka-okay. Kung hindi naman masyadong strict yung kumpanya , pwede ring mas may kulay ang isuot. Pero better pa din yung pastel shades. At mas maayos kung plain at hindi printed and damit mo.
Eto ang ibig sabihin ng mga kulay:
Brown – kalmado , matatag
Blue – (lalo na yung navy blue)kalmado , mapagkakatiwalaan
Gray – sopistikado at mahusay (pero hindi nakakatakot masyado na katulad ng black)
Red – kapangyarihan, awtoridad , drama. May tendency na sumobra sa drama ang red at parang emotional na ang dating so better na gamitin lang to na accent color.
White – katotohanan at pagiging simple
3. Mag-ingat sa mga sinasabi at hindi sinasabi.
Ulit, wag mag-chewing gum o uminom ng kape habang iniinterview. Wag mag-spray ng sobra-sobrang pabango. WAG mag-cellphone sa interview! Lahat to pwedeng ika-“strike out” mo.
Wag ka ding magsasabi ng hindi maganda sa dati mong employer. And pag-badmouth mo sa kanila ay hindi makakatulong na matanggap ka sa bago mong inaaplyan, kahit pa totoo ang sinasabi mo.
Ano ang kailangan mong gawin?
• magsalita ng malinaw. Hindi yung pabulong o nagma-mumble.
• Huwag gumamit ng slang.
• Huwag masyadong madaldal.
• Hayaan mong magsalita yung nagiinterview. Iwasang mag-interrupt.
• Mag-isip bago ka sumagot.
Syempre, kailangan pa bang ulitin na wag kang male-late sa interview? Napaka-unprofessional nun.
Pwede mo ring i-try mag-practice bago ang interview. Dati, sinusulat ko alahat ng pinaka-common questions sa interview. Tapos nagiisp na ko ng sagot at pina-practice ko sa bahay. Para naman sa interview mas smooth kong nasasagot yung tanong. Parang pinagisipan ko talaga yung sagot.
Pero syempre, ingat lang din. Pangit naman na sobrang “scripted” ang dating mo sa nagtatanong so hinay-hinay lang. Keep it natural, ika nga.
At finally, pwede kang magpadala ng thank-you email. That way, maaalala ka nung nag-interview.
Syempre, hindi pa din guaranty lahat yan para matanggap ka sa trabaho. Malaking factor pa din ang personality at attitude mo habang iniinterview. Pero at least ang mga tips nay an ay makakatulong na ilagay ka sa right track.
Good luck!
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments :

Post a Comment

Popular Posts